sobrang pinagplanuhan ko pa nmn mga palusot ko para payagan niya ako... buti pa si mommy pinayagan ako... mga 30min din ako nag-ipon ng lakas para magpaalam kay mommy... akala ko kasi di ako papayagan... pero pumayag nmn kaagad siya... tpos akala ko ok na... may karugtong pa pala ung sasabihin niya... "paalam ka kay daddy..."
waaaaaaaaaaahh... no way. nuh uh. ayokong magpaalam kay daddy. nooooooooooo.... kaya nga sau lang ako nagsabi e... sigurado nmn kasing di ako papayagan ni daddy... T_T
after 30min uli...pinapatawag daw ako nina mommy.... noooooooo... di pa ako ready... mag-iisip pa ko ng mga palusot ko...
mga palusot ko:
1. kukunin ko po ung yearbook ko.
>> totoo naman e. ito nmn talaga main reason ko kaya pupunta ako dun.
2. may kasama naman po ako.
>> ilang oras din akong naghanap at namilit ng mga tao para lang may makasama ako pumunta dun. hindi ako marunong pumunta dun ng mag-isa e. -.-"
3. may sasakyan naman po kami.
>> uhh... actually, wala nmn talaga. magko-commute lang kami. pero sasakyan nmn un diba?

4. bibisita lang po sa school.
>> more than one year na rin akong di nakakapunta dun so mejo excited na rin akong makita uli ung school ko.
5. bonding po kasama mga batchmates ko.
>> minsan lang kami magkikita-kita ng ganito. miss ko na mga batchmates ko.
mga pangontra ni daddy sa palusot ko:
1. ipakuha mo na lang sa iba.
>> naman. ayoko nang gumawa ng kung ano mang letter para lang makuha ung yearbook ko. ung last time na gumawa ako ng authorization letter, inabot ako ng ilang oras para lang mkagawa ng two-lined letter. kamusta nmn un??
2. dalawa lang nmn pala kaung magkasama. huwag ka nang pumunta.
>> waaahh... matapos kong ubusin ang load ko para lang maghanap ng makakasama, di lang nmn pala ako papayagan... haaay... kaya nga naghanap muna ako ng makakasama bago magpaalam para payagan ako tpos wala rin pala... tsaka marami nmn talaga kami e... kaso sa school na kami magmi-meet nung iba kasi sa ibang lugar din sila galing...
3. di ka pwedeng magcommute.
>> asar. kailangan ba talaga un isampal sa mukha ko?? kainis. tsss... sa 4years ng HS life ko, TATLONG beses lang ako nakapagcommute. ung una, tumakas lang ako kasi gusto kong ma-experience ang pagcommute. xempre, napagalitan ako pagdating ko sa bahay (pero si mommy pinagtawanan lang ako. sabi niya sakin "first time mo?". pfft... haha.. nakakatawa...) ung 2nd and 3rd time nmn... hmmm... kailangan talagang magcommute para dun sa research stuff... buti n lng wala nun si daddy kaya nakatakas uli ako... XD XD palagi kasi akong naka-carpool kaya bihira lang talaga ako makapagcommute. at kung hindi ako naka-carpool, mkikisabay ako sa classmate kong may kotse... o kaya ihahatid ako sa school. haaay...
4. wala namang tao dun kasi wala pang pasok. sinong bibisitahin mo dun?
>> uhh... ung guard po...? O.o naman... masama bang bumisita sa school...?? di na nga nila ako pinayagan pumunta dun nung foundation day e... haaay... kahit nmn pangit ung school nmin nami-miss ko pa rin un... malay ko ba kung may improvement na rin dun... balita ko naka-tiles na daw ung food court e... (huwaaaaat??)
5. magkikita nmn kau pagbalik niyo sa manila e.
>> waaahh.. di nmn ako pumupuntang UP kaya di ko nmn sila nakikita... mamimiss ko ba sila kung nagkikita naman kami sa manila?? hmmpph... tsaka busy rin nmn sila sa college life e... haaaaaaaay...
xempre di ko na sinagot si daddy... di nmn ako sumasagot sa parents ko e... tsaka baka mas lalo akong di payagan... pero aun... di pa rin ako pinayagan kahit anong gawin ko... haaay... bad trip talaga... minsan na nga lang ako lumabas ng bahay tapos di pa nila ako papayagan... kainiiiiiiiiiiiiiis. tssssssss... bahala nga sila... tinatamad na tuloy ako pumunta... nakaka-walang gana e... pfft..
No comments:
Post a Comment