shit. natatawa na lng ako ngaun. ang bobo ko kasi e.
first time kong pumunta sa cubao na mag-isa lang. kukunin ko kasi ung ticket ko pauwi para next week. sobrang excited na kong umuwi e. hahahaha [bad trip nga lang kasi na-extend pa ung finals. hmph.]
so un nga, nag-jeep lang ako papunta dun sa bus terminal. second time ko pa lang sumakay ng jeep papunta dun pero last time kasama ko si kuya kaya ok lng. nagmamarunong kasi ako ngaun kaya sumakay na lang ako ng jeep. feeling ko kasi alam ko nmn kung saan ako bababa. hindi ko nga alam kung magkano ung pamasahe e. shit, ang loser. >.<
useless din ung patingin-tingin ko sa labas ng jeep kasi wla rin akong idea kung nasan na ako. basta inaabangan ko lang ung bus terminal. dun ako bababa e. biglang huminto ung jeep dun sa may overpass. [di ko rin alam kung saang overpass un.] bumaba ung mga pasahero. lahat sila. shit. anong gagawin ko??? bababa na rin ako? e wala pa nmn ako sa terminal e... waaahhh... no choice. bumaba na lang ako. natakot ako dun sa driver e. baka kung san nya pa ko dalhin [yuck, paranoid. haha].
1st dilemma: wala akong idea kung nasan ako. as in WALA. basta ang alam ko may overpass malapit sakin. un lng. patingin-tingin uli ako sa area. di lang ako nagpapa-obvious na nawawala ako. diretso lang ako ng lakad. akyat sa overpass. tingin-tingin uli. shiiiiit. asan na ung gateway?? [un lang ang alam kong landmark sa cubao e. hahaha] magtatanong na sana ako dun sa nagtitinda ng sunglasses kaso nahihiya ako. iniisip ko n lng maglalakad na lang ako hanggang makita ko ung gateway/farmer's plaza/ali mall. kahit alin dun. bahala na.
2nd dilemma: wla akong load. shit nmn o. ngaun pa ko nawalan ng load. actually, meron pa nmn.. P2.00. haha. kamusta nmn un. di ko rin alam kung sino ittxt ko. hindi ko rin alam kung anong ittxt ko. sasabihin kong nwawala ako sa cubao? baka pagtawanan muna ko bago ako tulungan. useless din, wala na akong pangreply sakanya e. di ko rin madescribe kung nasan na talaga ako. ayaw kong tumigil maglakad e. nakakatakot tumambay dun. baka lapitan ako ng holdupper. waahh. [shit, paranoid talga. lol] so un, naka-reserve lng ung last P2.00 ko for emergency purposes. hahaha.
3rd dilemma: hindi ako marunong tumawid ng mag-isa. takte naman. ngaun pa ko natakot tumawid. bobo talaga. parang paikot-ikot nga lng ako sa isang block kasi ayaw kung tumawid e. minsan lang ako tumatawid pag may kasabay na ko. morbid kasi ang imagination ko pag may nasasagasaan e. >.<
mga 30min din ako naglalakad sa cubao. magtataxi na sna ako kaso baka mas lalo akong iligaw nun e. wag na lng. lakad na lng ako. feeling ko pinagtitinginan na ako ng mga tao kasi naiiyak na ko. actually, natatawa ako sa stituation ko pero pagod na kasi ako. gusto ko nang umuwi. patingin-tingin na lng uli ako sa mga bulidings. nagmumukha na talaga akong nawawalang bata. lakad pa ko ng ilang steps tas pagtingin ko sa side ko --- shit!!! gateway un ah!! f***, pano ko pupunta dun?? tatawid ako?? [tingin-tingin uli sa sides.] buti na lng may kasama akong tatawid. muahahaha. konti na lng. makakapunta na rin ako sa terminal.
4th dilemma: ayokong dumaan sa may gateway/araneta center. wala, mataas ang pride ko. hindi ako dadaan dun. di ako lalapit sa mga lasallian at taga-ue na un. NO WAY. iikot n lng uli ako. so un nga.. umikot ako. mas lalo akong nawala. inabot pa ako ng 15min bago makarating sa terminal.
phew. at last. nakarating din. 5min lng nmn ako dun. nagbayad lang ako ng ticket tas umalis na ko. lakad uli papuntang gateway. ayoko na sumakay ng jeep. sa LRT na lng uli ako. mejo proud pa nmn ako sa sarili ko kasi nahanap ko ung terminal nang mag-isa. muahahaha. nakisabay uli ako sa mga tao nung tumawid sila. may dalawang guys na naglalakad sa harap ko. ang daldal. nakakainis. talo pa ko kung chumismis.
guy in dark blue: blahblahblah
guy in brown: hahaha
guy in dark blue: animo la salle! beat ateneo!
takte!! mga lasallian pala un.. T.T umiiwas nga ako sa crowd nila e. shit. ue na nga kalaban nyo, beat ateneo pa rin?? arrghh. tiningnan ko na lang sila ng masama behind their backs. bad trip e. tas biglang napalingon sa likod ung naka-dark blue na guy. shit. na-sense nya ata na masama ung tingin ko sknila. nah, who cares...
guy in dark blue: blahblahblah [may binulong dun sa isang guy]
guy in brown: blahblahblah [di ko nmn naririnig ung pinaguusapan nila e]
guy in dark blue: [tingin uli sa likod]
shit. napansin nya ata na naka-ateneo shirt ako. wahh. di ko nmn sinadya na mag-ateneo shirt ngaun. lucky shirt ko kasi un kaya ko sinuot [useless din, nwala ako e. >.<]. inignore ko n lng sila. binilisan ko n lng lakad ko tas linampasan ko sila. sabay taas ng ulo para may taray effect. wahahaha. di pa rin ako dumaan sa may araneta kahit andun na ung entrance sa gateway. punong-puno kasi ng red at green dun. christmas na christmas ang dating. haha. wala e, mataas talaga pride ko [go ateneo!! lol].
inabot uli ako ng 5min bago ko mahanap ung isa pang entrance ng gateway. phew. tatlong escalator na lng makakauwi na ko. weeee~~
at last, nakasakay rin sa LRT. wahahahaha. ang galing ko. lol. next time talaga di na ko sasakay ng jeep papuntang cubao. hindi na rin ako mag-ooffer bumili ng ticket ko pauwi. haha, ngaun lang uli ako nagkaron ng escapade na ganito. ang saya palang mawala. mejo nakaka-paranoid nga lng. hahahaha.
No comments:
Post a Comment